Quezon City Government (@QCGov) header
Quezon City Government (@QCGov) profile picture

Welcome to the official X account of the Quezon City Government handled by the QC Public Affairs and Information Services Department

Quezon City, Philippines
Joined February 2020
Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)Photo by Quezon City Government (@QCGov)
Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa bus terminals sa Lungsod Quezon ngayong Sabado sa pagsisimula ng #Undas2026. Nakaantabay ang mga kawani ng lungsod upang umalalay sa mga mananakay at matiyak ang seguridad sa mga bawat terminals at mga pangunahing daanan sa lungsod.
1
508
Aabot sa 5,700 kawani ng Pamahalaang Lungsod Quezon katuwang ang iba pang government agencies at force multiplier groups ang naka-deploy ngayon sa buong QC upang tiyakin ang seguridad at kaligtasan ngayong #Undas2026. Mayroong mga stations ang mga kawani sa bawat bus and jeepney terminals, private and public cemeteries, columbaries, MRT and LRT stations, at mga pangunahing daanan sa lungsod. Para sa anumang emergency, maaaring tumawag sa QC Helpline 122.
1
827
BE EL NIÑO-READY, QC!☀️ Ano ang dapat tandaan tungkol sa El Niño at Amihan? -Maging handa sa pabago-bagong panahon. Maaaring makaranas ng mas mainit at tuyong lagay ng panahon dahil sa El Niño, habang maaaring magkaroon ng mas malamig at mahangin na panahon dahil sa Amihan. -Patuloy na subaybayan ang official weather advisories. -Magtipid sa paggamit ng tubig. -Protektahan ang sarili laban sa matinding init, maging maingat sa sunog at manatiling handa sa biglaang buhos ng malakas na ulan. Para sa emergency assistance sa Quezon City, maaaring tumawag sa QC Helpline 122. Para sa weather information, sundin ang official advisories ng DOST-PAGASA, DRRMD at Quezon City Government.
2
766
Nakabantay ang mga tauhan ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa mga kalsada sa lungsod sa pagbubukas ng mga sementeryo ngayong #Undas2026 upang matiyak ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko. Minomonitor din ng TTMD ang mga bus terminal na inaasahang dadagsain ng mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya. Ipinatutupad naman ang pagsasara ng ilang kalsada at rerouting sa kahabaan ng A. Bonifacio Avenue, malapit sa Manila North Cemetery, upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan. Narito ang mahahalagang paalala para sa ligtas, maayos, at mapayapang pagbisita sa mga pampublikong sementeryo at kolumbaryo sa Quezon City: facebook.com/QCGov/posts/pfb…
763
HAPPY HALLOWEEN, QC! 👻🎃 Binihisan ang mga opisina ng Metropolitan Trial Court (METC) at Regional Trial Court (RTC) branches ng Lungsod Quezon bilang pakikiisa sa Halloween Celebration nitong Huwebes.
1
5
1,035
Hango ang tema ng dekorasyon sa Filipino folklore sa METC, habang may tema namang fairytale ang RTC.
1
182
Nakibahagi si Mayor Joy Belmonte sa isang cultural tour kasama ang mga babaeng ambassador mula sa iba-ibang bansa upang ipakilala ang mayamang kasaysayan, kultura, at pamana ng Quezon City.
1
941
Bumisita ang delegasyon sa Quezon Memorial Museum, Bahay Modernismo, Quezon Heritage House, at Tandang Sora Women's Museum upang mas makilala ang mahahalagang kuwento, personalidad, at kulturang umubog sa kasaysayan ng lungsod at bansa.
1
103
QUEZON CITY 🤝 BANGLADESH 🇵🇭🇧🇩 Pinaunlakan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ng mga delegado mula sa People's Republic of Bangladesh para sa kanilang benchmarking activity sa lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon ngayong Biyernes.
1
4
1,098
Paksa ng learning visit ang mga digital innovations at programa ng City Planning and Development Department, Information Technology Development Department, Citizen Services Department, Business Permits and Licensing Department (BPLD), at ang QCitizen ID. Binisita rin ng mga delegado ang Business One-Stop Shop ng BPLD sa City Hall.
133
🌟 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗠𝗜𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗧𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗥𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟳! 🌟 Muli nating bigyang-pugay ang natatanging kababaihan ng Quezon City na nagpapamalas ng kabayanihan, malasakit, at diwa ni Melchora “Tandang Sora” Aquino sa pamamagitan ng kanilang makabuluhang ambag sa gawaing panlipunan, pagsusulong ng karapatan at kakayahan ng kababaihan, at pagpapaunlad ng komunidad. Inaanyayahan ang lahat ng QCitizen na magnomina ng mga natatanging kababaihan ng Quezon City para sa Gawad Tandang Sora 2027. Idadaos ang paggagawad sa 𝗘𝗻𝗲𝗿𝗼 𝟲, 𝟮𝟬𝟮𝟳, 𝗠𝗶𝘆𝗲𝗿𝗸𝘂𝗹𝗲𝘀, kasabay ng paggunita sa ika-215 na anibersaryo ng kapanganakan ni Melchora Aquino. 📅 Pagsasara ng nominasyon: 𝗡𝗼𝗯𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲; 𝟱:𝟬𝟬𝗣𝗠 📲 I-scan ang QR code upang ma-access ang nomination form at iba pang impormasyon o iclick ang link na nasa ibaba: 🔗 𝗡𝗼𝗺𝗶𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗙𝗼𝗿𝗺: tinyurl.com/Gawad-Tandang-So… 🔗 𝗚𝘂𝗶𝗱𝗲𝗹𝗶𝗻𝗲𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝗚𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗼𝗿𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟳: drive.google.com/file/d/1no_… Sama-sama nating kilalanin at parangalan ang kababaihang patuloy na nagbibigay-inspirasyon at naglilingkod para sa ikabubuti ng ating komunidad! Para sa mga katanungan, maaaring ma-kontak ang QC Tourism Department sa mga sumusunod: ✉️ [email protected] 📞 0915 392 1044 #GawadTandangSora2027 #TandangSora #MelchoraAquino #QCMoreToExplore
794
Gawing ligtas ang inyong Undas, QCitizens! ☀️🕯️ Dahil sa epekto ng El Niño at inaasahang mas mainit na panahon, mahalagang mag-ingat laban sa mga sakit na dulot ng matinding init o heat-related illnesses habang bumibisita sa mga sementeryo at ginugunita ang mga yumaong mahal natin sa buhay. Narito ang ilang paalala upang mapangalagaan ang inyong kalusugan: ✅ Magdala ng sapat na tubig para manatiling hydrated ang buong pamilya. ✅ Pumunta nang maaga o hapon na sa sementeryo. Iwasan ang pagpunta nang tanghaling tapat. ✅ Gumamit ng payong o sumbrero at magsuot ng presko, maluwag, at manipis na damit. ✅ Huwag kalimutan ang maintenance na gamot. ✅ Kung may makaramdam ng pagkahilo o mawalan ng malay, agad siyang ilipat sa malamig o malilim na lugar. Agad humingi ng tulong medikal sakaling makaranas ng anumang sintomas ng heat exhaustion o heat stroke. Para sa emergency, tumawag sa QC Helpline 122. #Undas2026
2
956
Mula kalsada hanggang komunidad, tuloy ang pag-unlad! ✨
1
3
1,321
Panoorin ang kabuuan ng 8th State of the City Address dito: facebook.com/share/v/1JgKRCp…
1
74
BE EL NIÑO-READY, QC!☀️ Sa panahon ng matinding init, mahalagang tiyakin ang kaligtasan ng pagkain at tubig na ginagamit sa pagluluto upang maiwasan ang pagkasira ng pagkain at mga sakit na dulot nito. Narito ang ilang paalala para sa ligtas na paghahanda ng pagkain: -Panatilihing malinis ang kamay, kagamitan at preparation area. - Huwag iwan nang matagal sa room temperature ang pagkain na madaling mapanis. -Tiyaking maayos ang kundisyon ng refrigerator kung mayroon. -Kapag may water shortage, gumamit ng malinis na drinking water para sa pagluluto at paghahanda ng pagkain. -Sundin ang tamang food-handling practices para makaiwas sa sakit. Para sa emergency assistance sa Quezon City, maaaring tumawag sa QC Helpline 122. Para sa weather information, sundin ang official advisories ng DOST-PAGASA, DRRMD at Quezon City Government.
1
1,060
ABISO MULA SA QC TTMD📣 Simula November 3, 2026, lilipat na ang opisina ng QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) sa bago nitong lokasyon sa former Philippine Dental Association-QC Chapter Bldg. sa #46-B Malakas St. corner Maunawain St., Brgy. Pinyahan, Quezon City, mula sa dati nitong address sa 2nd Floor, DPOS Building sa Quezon City Hall Compound. Maaaring pumunta sa opisina ng TTMD para sa pagbabayad ng traffic violation ticket, o para sa anumang traffic & transport concerns ninyo. Maraming salamat po.
1
4
2,257