Nanatiling misteryo sa isang pamilya ang nakuhanang pangyayari ng CCTV sa harap ng kanilang tahanan.
Isang upuan ang inihagis kahit wala namang taong makikita sa video. Ito ang kuwentong "Kababalaghan" na hatid ni Kabayan Noli De Castro.
Abangan ang kuwento sa Sabado, Oktubre 31, 10:30 p.m., sa Kapamilya cable at free TV platforms.
Una namang mapapanood ito sa iWant.ph alas-4 ng hapon at sa ABS-CBN News YouTube channel pagkatapos ng "TV Patrol Weekend."
May panibagong nagpahayag na nakasama umano sa paghahatid ng mga maleta ng pera sa Davao noong 2021 at 2022.
Isang nagpakilalang driver umano ni dating speaker Lord Allan Velasco ang nagpunta sa NBI at nagsumite ng sinumpaang salaysay at mga ebidensiya.
Buwelta ng kampo ni Vice President Sara Duterte, isa lang itong gawa-gawang akusasyon.
Tumagilid ang isang pampasaherong barkong may lulang higit 50 pasahero at mga tripulante habang naghahanda sa pagbaba ng mga pasahero sa pantalan ng Real, Quezon.
Samantala, nagsimula na ring dumating sa mga pantalan ang mga pauwing probinsiya para gunitain ang #Undas2026.
Uulanin ang ilang lugar sa Pilipinas sa #Undas2026 weekend.
Makaaapekto pa rin ang Amihan sa northern Luzon, shear line sa silangan ng Luzon, at ITCZ sa katimugang bahagi ng bansa.
Samantala, lumalapit sa bansa ang LPA na nasa silangan ng Eastern Samar bagama't hindi ito inaasahang magiging bagyo. Namataan naman sa silangan ng northern Luzon ang Super Typhoon INFA na posibleng gumilid o sumilip sa PAR pero wala itong magiging epekto sa bansa. #WeatherPatrol
Nag-inspeksiyon ang DOTr sa NAIA para alamin kung handa ang paliparan sa dagsa ng pasahero, ilang araw bago ang #Undas2026.
Uminit naman ang ulo ni Transport Sec. Vince Dizon dahil sa isang isyu.
Habang pauwi ang marami sa kani-kanilang probinsiya para sa #Undas2026, gagawin naman ng DPWH simula ngayong Biyernes, Oktubre 30, hanggang weekend ang pagkukumpuni sa ilang bahagi ng EDSA, bilang bahagi ng rehabilitation project phase 2.
Nagsisimula nang bumagal ang usad ng mga sasakyan sa NLEX dahil sa pagdami ng motoristang lumalabas ng Metro Manila para samantalahin ang long weekend at #Undas2026.
